Home ENTERTAINMENT Loyalista, ililibot sa buong mundo!

Loyalista, ililibot sa buong mundo!

Manila, Philippines- Sa red carpet screening ng pelikulang Loyalista, The Imelda Papin Story na ginanap sa Resorts World Manila ay nabanggit ng Jukebox Queen na si Imelda Papin na nakatakda nang ipalabas ang kanyang lifestory sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sa pagpasok pa lang ng taong 2024 ay may booking na ang nasabing pelikula sa Japan, sa Hongkong at sa US of A.

Pangalawang red carpet screening na ito ng Loyalista. Ang una ay naganap sa SM Megamall.

In attendance sa pangalawang red carpet screening ang isa sa mga bida na si ER Ejercito, si Maffi Papin, Aileen Papin at iba pa.

“Masaya ako dahil maganda ang feedback ng nga nakakapanood sa lifestory natin. Maganda ang comments at maganda rin ang review sa pelikula as a whole.

“May mga nakausap na tayong promoter sa iba’t-ibang banda na tutulong sa atin na maipalabas ang movie all over the world.

“At sa Pilipinas naman, ang commercial screening nito, more or less, e, sa February or March 2024,” sabi pa ni former Vice Governor Imelda. JP Ignacio

Previous articleKarla, tinapatan si Kathryn!
Next articleMatteo, bet ang ‘dragon baby’!