Home LAGAY NG PANAHON LPA inaasahang papasok sa PAR

LPA inaasahang papasok sa PAR

MANILA, Philippines – Namataan ang isang low-pressure area (LPA) sa layong 1,415 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Posible umano itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 24 hanggang 48 oras, ayon sa PAGASA.

“It has a slim chance of developing into a tropical cyclone within that period. However, its trough will cause scattered rain showers and thunderstorms over Mindanao, and Eastern and Central Visayas,” pahayag ni Obet Badrina ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Samantala, ang Bagyong Koinu (na dating bagyong Jenny) ay hindi na nakakaapekto sa alinmang bahagi ng bansa, at hindi rin inaasahang papasok sa PAR ang Tropical Storm Bolaven. RNT/JGC

Previous articleCrew members ligtas na sa chemical leak sa Cebu
Next articleLibreng Sakay sa mga jeep, bus ibabalik!