MANILA, Philippines – Magpapaulan ang low pressure area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa Miyerkules, ayon sa weather forecast ng PAGASA.
Base sa datos, ang LPA ay tinatayang nasa 3 a.m. sa layong 710 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Naka-embed ito sa kahabaan ng ITCZ, dagdag pa ng weather bureau.
Ang Eastern Visayas, Caraga, Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, Davao de Oro, at Davao Oriental ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA at ITCZ.
Ang mga flash flood o landslide ay maaaring mangyari sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ at mga localized thunderstorms na may posibilidad ng isolated na pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.
Sumikat ang araw bandang 5:36 a.m., at lulubog ito mamayang 6:29 p.m. RNT