LPA, magpapaulan sa ilang bahagi ng M’danao, Visayas; Amihan, iiral sa Hilagang Luzon

LPA, magpapaulan sa ilang bahagi ng M’danao, Visayas; Amihan, iiral sa Hilagang Luzon

March 7, 2020 @ 8:35 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, namataan ang Low Pressure Area (LPA) bandang alas-3 ngayong araw ng Sabado, 30 kilometro kanluran-hilagang kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur habang iiral naman sa Northern Luzon ang Amihan.

 

Mararanasan sa mga lalawigan ng Caraga at Zamboanga Peninsula maging sa Visayas ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat na sanhi ng LPA.

 

Magpapaulan naman ang Tail End of a Cold Front sa mga lalawigan ng Quezon, Marinduque, Romblon at Bicol Region. Makakaranas din ang mga ito ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.

 

Amihan naman ang makakaapekto sa Batanes at Babuyan Group of Islands. Makakaranas ang mga lugar na ito ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan.

 

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan.

 

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

 

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan din na may isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa sanhi ng localized thunderstorms. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...