MANILA, Philippines – Namataan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) ay tinatayang nasa 395 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes noong Huwebes ng umaga habang ang Southwest Monsoon o Habagat ay patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa bansa.
Sinabi ng weather bureau na ang Metro Manila, Pangasinan, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at BARMM ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon.
Ang mga flash flood o landslide ay maaaring mangyari sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan, dagdag nito.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil na rin sa Southwest Monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.
Sumikat ang araw bandang 5:45 a.m., at lulubog ito ng 5:59 p.m. RNT