Home NATIONWIDE LPA posibleng pumasok sa bansa

LPA posibleng pumasok sa bansa

94
0

MANILA, Philippines – Binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Lunes, Pebrero 13.

Ayon sa ulat, huli itong namataan layong 1,165 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Posibleng pumasok ang naturang LPA sa PAR sa araw ng Martes, Pebrero 14 ngunit inaasahang malulusaw na ito bago pa makalapit sa Mindanao.

Samantala, sa lagay ng panahon, magpapaulan ang trough o extension ng LPA sa Visayas at Mindanao partikular na sa Southern Leyte, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Lanao del Sur. RNT/JGC

Previous articleChina dapat parusahan sa panghaharass sa PCG gamit laser – Hontiveros
Next articleFreelancer technician patay, mag-ina sugatan sa pananambang