Home NATIONWIDE LPA trough, Habagat, localized thunderstorms sanib-pwersang magpapaulan sa bansa

LPA trough, Habagat, localized thunderstorms sanib-pwersang magpapaulan sa bansa

307
0

MANILA, Philippines- Magdudulot ng ulan ang trough o extension ng low pressure area, Southwest Monsoon o Habagat, at localized thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Batanes at Babuyan Islands na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.

Kaninang alas-3 ng umaga, ang LPA ay tinatayang 875 km east northeast ng Extreme Northern Luzon. 

“Mababa ang tsansa na maging bagyo,” anang weather specialist.

Samantala, nakaaapekto naman ang Southwest Monsoon sa Mindanao.

Makararanas ang Zamboanga Peninsula ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa monsoon.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa monsoon at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong Pilipinas.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:45 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:01 ng hapon. RNT/SA

Previous articleLINDOL SUMALAKAY SA GABI; MAHIGIT 2K PATAY
Next articleMorocco niyanig ng aftershock; patay sa lindol sumampa sa 2,100

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here