MANILA, Philippines- Magpapaulan ang trough o extension ng low pressure area (LPA) at localized thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Makararanas ang Mindanao, Eastern Visayas, at Central Visayas ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.
Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa trough ng LPA at localized thunderstorms.
Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:47 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:40 ng hapon.
Binabantayan din ng PAGASA ang dalawang tropical cyclones sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). RNT/SA