Home METRO LPG delivery rider tiklo sa Taguig drug ops

LPG delivery rider tiklo sa Taguig drug ops

MANILA, Philippines – Arestado ang isang LPG (liquid petroleum gas) delivery rider na dinakip ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City police sa ikinasang buy-bust operation nitong Marso 12.

Sa report ng Taguig City police ay kinilala ang nadakip na suspek na si alyas John, 35.

Nadakip si alyas John sa ikinasang buy-bust operation dakong alas 3:30 ng madaling araw sa Barangay Western Bicutan, Taguig.

Sa nasabing operasyon ng SDEU ay rekober sa posesyon ng suspect ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng 28 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P190,400; P500 buy-bust money na nakapaibabaw sa P12,000 boodle money; isang cellular phone at isang sling bag.

Ang narekober na hinihinalang shabu ay dinala sa Southern Police District (SPD) forensic unit para sumailalim sa chemical analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)

Previous articleMalaysian national tiklo sa reklamong pagnanakaw
Next articleTulak tiklo sa P100K shabu sa Valenzuela