Home NATIONWIDE LRT 1, 2 ops sa Dis. 20-23 pinalawig

LRT 1, 2 ops sa Dis. 20-23 pinalawig

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes ang extended operating hours para sa light rail lines sa Metro Manila mula December 20 hanggang 23, 2023.

“Sa pagpunta ng mga tao sa mga party, reunion at iba pang gathering, ating ipalasap ang Christmas spirit na pagbibigay ng kasiyahan sa pamamagitan ng komportable, ligtas, at maaasahang transportasyon sa mga tren,” pahayag ni Bautista nitong Martes.

Narito ang extended operating hours ng LRT 1 at 2:

LRT-1

  • Huling biyahe mula Baclaran Station: 10:45 p.m.

  • Huling biyahe mula Fernando Poe Jr. Station: 11:00 p.m.

LRT-2

  • Huling biyahe mula Antipolo Station: 10:00 p.m.

  • Huling biyahe mula Recto Station: 10:30 p.m. RNT/SA

Previous article360 dagdag-kaso ng COVID naitala ng DOH
Next article‘YAN BA ANG SAGOT?