MANILA, Philippines- Pansamantalang itinigil ang operasyon sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 nitong Sabado ng umaga, matapos tumalon ang isang 26-anyos na lalaki sa southbound track ng Blumentritt Station habang palapit ang tren.
Buti na lamang at agad na napairal ng operator ang emergency brake, ayon kay Jorjette Aquino, assistant secretary for Railways ng Department of Transportation (DOTr).
“First responders rescued the passenger from under the train. He was found conscious, with head abrasions and severed left foot,” pahayag ni Aquino.
Inihayag niya na nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang rason ng pagtalon ng lalaki sa riles.
Gayundin, sinabi ni Aquino na dinala ang lalaki sa ospital kaninang alas-9:32 ng umaga at ansa mabuti nang kalagayan.
Balik-normal naman ang operasyon ng LRT-1 pagsapit ng alas-6:44 ng umaga. RNT/SA