Home NATIONWIDE LRT-2 may #LibrengSakay sa Dis. 10

LRT-2 may #LibrengSakay sa Dis. 10

MANILA, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay sa Disyembre 10 (Linggo) ang Light Rail Transit 2 (LRT 2) para sa ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR).

Ito ang napagdesisyunan ng Department of Transportation at Commission of Human Rights (CHR).

Ang libreng sakay ay dalawang oras sa umaga at dalawang oras mula hapon hanggang gabi.

“The free ride is entitled to all passengers who want to ride LRT-2 on December 10, 2023 from 7:00 a.m. to 9:00 a.m. and 5:00 p.m. to 7:00 p.m.,” anunsyo ng CHR – Human Rights Institute.

Noong Disyembre 10, 1948, pinagtibay ng United Nations General Assembly ang UDHR, na nagtatakda ng pamantayan para sa mga internasyonal na karapatan ng mga tao. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleNagpakilalang tauhan ng senador, tiklo sa pangingikil
Next articleRemulla dudang may banta sa buhay ng 7 PDL na testigo sa De Lima drug case