LSIs, pinatitipon ni PDu30 kay Año; Mga pagkain, sagot ng pamahalaan

LSIs, pinatitipon ni PDu30 kay Año; Mga pagkain, sagot ng pamahalaan

July 1, 2020 @ 9:50 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Interior Secretary Eduardo Año na tipunin at bigyan ng matutuluyan ang lahat ng mga locally stranded individuals (LSIs), partikular na ang mga nagpapalipas ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito’y matapos mapaulat na libu-libong mga LSIs ang nananatili malapit sa NAIA sa pag-asang makakuha ang mga ito ng biyahe pauwi sa kanilang mga probinsya sa gitna ng limitadong flights dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Pangulong Duterte na sasagutin na niya ang pagkain at matutulugan ng mga ito.

Ang gobyerno aniya ang magbabayad sa lahat ng gastusin para sa mga ito.

“I would like to remind si General Año to gather all na naghihintay ng walang matulugan, matirhan, at nandiyan sa labas ng NAIA, you will be transported to a place. I will pay, just bill me, pati pagkain,” saad ni Pangulong Duterte.

Ang paalala naman ng Pangulo kay Sec. Año ay maghanap lamang ng makakain na hindi aaray ang bulsa ng pamahalaan at huwag kumain ng mahal dahil nasa gitna aniya ng nararanasang krisis ang bansa.

“Maghanap lang ng mga karinderya baka Budget magreklamo. ‘Wag kayong magkain ng mahal. We are in a crisis, let us keep our senses close to the ground,” ani Pangulong Duterte. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...