Home ENTERTAINMENT LT, bet kalaplapan si Papa P! ENTERTAINMENTENTERTAINMENT BANNER STORYSHOWBIZTOP STORIES LT, bet kalaplapan si Papa P! May 19, 2023 06:50 504 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Kahit pala isa sa mga established nang aktres sa bansa ay may bucket list pa rin. At sa kaso ni Lorna Tolentino, kabilang sa kanyang bucket list ay makasama si Piolo Pascual sa isang pelikula. Aniya, Papa P is one actor she has never worked with. Of all actors, why Piolo? Kasi raw ay kaya raw humabol nito sa kanyang edad not because he looks older than his age. This December, proud 62-year-old na ang biyuda ni Rudy Fernandez. Okey lang daw kung may kissing scenes pa na hinihingi ang pelikula. Kung tutuusi’y hindi mahihirapan si LT na makakita ng prospective producer as Piolo co-owns Spring Films. Isa sa mga business partner nga rito ng aktor ay si diÅ•ek Joyce Bernal na puwede ring magdirek ng pagsasamahan nilang pelikula if ever. Samantala, wiling-wili ngayon si Lorna sa bago niyang apo. ‘Yun nga lang, iba pa rin daw ‘yung may makakasama siya sa kanyang twilight years. Hindi naman daw ibig sabihin niyon ay ready na siyang magpakasal muli. Bago naman nalagutan ng hininga si Rudy ay walang kaso sa aktor kung muling tumibok ang puso ng aktres. Ani LT, kung ipahihintulot daw ng Diyos ay bakit hindi? Mas mahalaga nga lang sa kanya ay ang makatagpo ng lalaking mag-aalaga sa kanya sa kanyang pagtanda. Kung hindi naman daw ibigay sa kanya ng Itaas ang kanyang kahilingan, so be it. Ronnie Carrasco III