Home NATIONWIDE LTFRB chief sa Kamara: Motorcycle taxis, gawing legal

LTFRB chief sa Kamara: Motorcycle taxis, gawing legal

240
0

MANILA, Philippines- Nanawagan ang The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga mambabatas na isaligal ang operasyon ng motorcycle taxis, halos apat na taon matapos payagan ng pamahalaan ang pilot run sa mga piling lungsod.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, siya ring pinuno ng technical working group (TWG) na nagbabantay sa pilot study, na umaasa niyang masusuri ng Kamara ang pilot test at “enact a legislation that will eventually legitimize this habal-habal into a legitimate organization.”

Tinalakay ni Guadiz ang implementasyon ng motorcycle taxi pilot run sa House hearing nitong Martes.

Sinabi ng transport official na nagsimula ang pilot study noong 2019 subalit nasuspinde sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Itinuloy ito matapos luwagan ng gobyerno ang mobility restrictions. Mayroong tatlong kalahok sa motorcycle taxi market: Angkas, Move It, at JoyRide.

Kinuwestiyon naman ng ilang mambabatas ang patuloy na operasyon ng mga kompanya sa kabila ng dokumentong nagpapakita na 2021 pa dapat natapos ang pilot run.

Nilinaw ni Guadiz na “the study has been terminated,” subalit binanggit na pinapayagan sila ng polisiya na bumiyahe kasunod ng rekomendasyon ng Senado.

“If your pilot study is already terminated, bakit hindi kayo magsubmit ng report dito na yung pilot study ay tapos na? Bakit manggagaling sa amin? Make a report to the House that your study was already terminated and you are coming to a recommendation,” ani House Committee on Transportation Chair at Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop.

Inihayag ni Guadiz na nagbigay ang ahensya ng mag rekomendasyon sa kaligtasan, seguridad,  prangkisa at regulatory procedures, at law enforcement issues. Ani Acop, nais niyang makita ang komprehensibong ulat ng pilot test mula sa TWG.

Tiniyak naman ng transportation authorities na isusumite ang report sa loob ng 45 araw.

Ilan pa sa mga tinalakay na isyu sa hearing ang multi-homing, maging ang umano’y paglimita sa pilot run sa tatlogn players.

“I did not limit it to three. There are four more applicants with us and there is an ongoing vetting process. However, I have to suspend this. As a matter of courtesy, we will be taking the cue from the House if they will allow us to further proceed with the study,” depensa naman ni Guadiz. RNT/SA

Previous articleChinese suspects sa Las Piñas raid nagsumite ng counter-affidavits
Next articleMetro Manila lulubog sa baha ‘pag tinanggal pumping stations – MMDA chair

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here