Home NATIONWIDE LTFRB naglatag ng plano para sa posibleng pagsisikip sa unconsolidated routes sa...

LTFRB naglatag ng plano para sa posibleng pagsisikip sa unconsolidated routes sa Peb. 1

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa commuters na magkakaroon ng sapat na masasakyan sa Feb. 1, kung kailan hindi na papayagan ang unconsolidated public utility vehicles (PUV) na bumiyahe.

“We have two backup plans. On February 1 on the assumption na kulang na talaga, there are what we call rescue vehicles. Number two, jeepneys plying the adjoining route… we will allow now those jeeps to ply that existing route na kinukulang and will be issuing special permits for them,” ani LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa isang panayam nitong Lunes.

Magtatalaga umano ng rescue vehicles sa loob ng 1-2 linggo dahil inaasahan na kukulangin ang inilabas na special permits sa pagkakataong iyon.

Ayon sa opisyal, nakipag-ugnayan na rin umano sa local government units at sa Metropolitan Manila Development Authority para sa inaasahang magaganap sa Feb. 1.

Pagsapit ng Pebrero 1, ituturing nang “colorum” ang unconsolidated jeepneys na mahuhuling bumibiyahe.

Nanindigan ang LTFRB na walang nakaambang transport crisis partikular sa National Capital Region kahit na mahigit 300 ruta ang walang consolidated entities. RNT/SA

Previous article2 engineering studes kalaboso sa ‘dirty finger’ picture
Next article25K community gardens itinayo sa ilalim ng nationwide clean-up drive