Home NATIONWIDE LTFRB nais makipagdayalogo sa PISTON

LTFRB nais makipagdayalogo sa PISTON

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dayalogo sa transport group upang kumbinsihin ang mga ito na huwag ituloy ang pinaplanong three-day nationwide transport strike simula ngayong Lunes, November 20.

Inihayag ni LTFRB Spokesperson Celine Pialago na “one call away” lamang ang ahensya at may oras pa para kanselahin ng grupo ang transport strike.

“To Piston, there’s still time. LTFRB is just one call away if you want to cancel the strike tomorrow and instead use the time to talk to Chairman Guadiz. Our office is open,” pahayag niya sa isang panayam.

Subalit, nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide’s (Piston) walang nagaganap na usapan sa pagitan nila at ng LTFRB.

Bilang tugon sa pahayag ni Pialago, sinabi ni Piston National President Mody Floranda na bukas ang grupo sa dayalogo.

Subalit, nilinaw niyang tuloy ang nationwide strike ngayong Lunes.

“Piston is also open to talk to LTFRB. Our strike centers are open tomorrow and in the coming days so that they can see for themselves the conditions of drivers and operators,” ani Floranda.

Inanunsyo ng Piston nitong Miyerkules ang three-day nationwide transport strike upang tutulan ang nalalapit na deadline para sa konsolidasyon ng traditional public utility jeepneys sa December 31.

Samantala, naninindigan ang LTFRB sa itinakda nitong deadline sa konsolidasyon ng traditional jeepneys. RNT/SA

Previous articleTransport strike tuloy; PISTON bukas sa pagtalakay sa coop issue
Next articleResidential area sa Pandacan nasunog!