Home NATIONWIDE LTFRB: Walang nakaambang transport crisis sa NCR

LTFRB: Walang nakaambang transport crisis sa NCR

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nagbabadya ang transport crisis sa Metro Manila sa kabila ng datos na nagpapakitang mahigit 300 ruta ang walang consolidated entities.

Sa media briefing nitong Biyernesm, inihayag ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na karamihan sa mga ito ay short-distance routes na walang consolidated entities. Maaari itong saklawin ng consolidated jeepneys na bumibiyahe sa mas mahabang distansya at dumaraan din sa maiiksing ruta.

“Wala kaming nakikita [transport] krisis at wala kaming napipintong [transport] krisis dahil yung mga ruta na nabakantihan, may iba pang modes of transportation na dumadaan,” giit ni Guadiz.

Tiniyak ni LTFRB National Capital Region Director Zona Tamayo assured sa publiko na may consolidated entities sa  major thoroughfares sa Metro Manila para sa magserbisyo sa mga mananakay.

Ayon sa datos mula sa LTFRB, mahigit 400 ruta sa Metro Manila ang mayroong consolidated entities subalit karamihan sa mga rutang ito ay wala pang 60% consolidation.

Base pa kay Tamayo, ilalabas ang pinal na listahan ng mga ruta sa buong bansa sa susunod na linggo, dahil mayroong inayos sa inisyal na listahan.

Bahagi ang konsolidasyon ng public utility vehicles (PUVs) ng PUV modernization program na mariing tinutulan ng ilang transport groups dahil hindi umano ito abot-kaya para sa drivers at operations, at kulang sa mas masusing pag-aaral.

Ayon naman kay Guadiz, bukas ang Transporation Department na makipagdayalogo sa transport groups na kontra sa PUV modernization program. Subalit, iginiit niyang hindi na palalawigin ang deadline para sa PUV consolidation.

Papayagan lamang bumiyahe ang unconsolidated PUVs hanggang Jan. 31. Ituturing na ang mga itong colorum simula sa Feb. 1. RNT/SA

Previous articleKapayapaan, katatagan sa SCS ‘common interests’ ng Pinas, Tsina – envoy
Next article‘Worst traffic’ global ranking ng Metro Manila aaksyunan ng PH gov’t