MANILA, Philippines – Nahaharap sa suspensyon o pagbawi ng lisensya ang drayber ng isang SUV na nasangkot sa hit-and-run incident sangkot ang isang call center agent sa Lahug, Cebu City.
Ayon kay Glen Galario, director ng Land Transportation Office (LTO) 7 (Central Visayas), inilabas ang show cause order laban sa drayber ng Isuzu Mu-X na may plakang GAB 1021 upang humarap sa kanilang opisina at ipaliwanag ang insidenteng nangyari noong Nobyembre 12 na nag-viral pa sa social media.
Ani Galario, ang insidente ay naipost sa social media ng isang netizen na nagawang makuhanan ng video ang sasakyan na nakabangga kay William Holan Fernando Baxter, residente Cabancalan, Mandaue City.
Sa video, makikita ang sasakyan ni Baxter na nag-counterflow sa Gorordo Avenue at nabangga ang 22-anyos na call center agent na tumatawid naman sa pedestrian lane.
“The reported act is a violation of Section 27 on improper person to operate a motor vehicle and Section 48 on reckless driving under Republic Act 4136, otherwise known as the Land Transportation Code,” sinabini Galario.
Inatasan na rin ang drayber na isuko na ang kanyang lisensya.
Bago pa rito ay nagkasundo na ang drayber at call center agent.
Sa kabila nito, hindi pa rin lusot ang drayber sa LTO. RNT/JGC