MANILA, Philippines – Hindi angkop para sa dating pulis na si Wilfredo Gonzales, sangkot sa viral road rage incident na nanakit at nanutok ng baril sa isang siklista, ang pagkakaroon ng lifetime driving ban dahil wala naman umanong namatay sa insidente, sinabi ng Land Transportation Office nitong Biyernes, Setyembre 8.
Bago rito, sinabi ng LTO na kinansela na ng LTO ang lisensya ni Gonzales at pinagbawalang magmaneho sa loob ng dalawang taon.
“We have to revoke kasi live pa ‘yung lisensya ni Mr. Gonzales hanggang 2024 so we revoked that license and disqualified him from applying for a new license for the next 2 years,” ani LTO chief Vigor Mendoza II sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.
“[Bakit hindi lifetime ban?] Ang nasa batas in case of death or injury, we can revoke the license up to 4 years lang pala. We have to temper it down, hindi naman 4 years kasi wala namang namatay o nasugatan. That is why it is only 2 years.”
Bago mag-retiro ay tinanggal sa serbisyo ng Ombudsman si Gonzales dahil sa grave misconduct makaraang manutok din ng baril sa hiwalay namang insidente.
Inalis na rin siya kamakailan ng Korte Suprema bilang empleyado nito dahil sa insidente. RNT/JGC