Home ENTERTAINMENT ‘Lubid’ joke ni Joey rerebyuhin ng MTRCB

‘Lubid’ joke ni Joey rerebyuhin ng MTRCB

Manila, Philippines- Inaasahang isa sa mga araw na ito’y ilalabas ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang resulta ng ginagawa nilang imbestigasyon kung may paglabag ang E.A.T.

Dahil na rin sa panawagan ng mga netizens, partikular na rerebyuhin ng ahensya ang September 23 episode ng naturang noontime show.

In particular, sisilipin ng board kung nilabag ba ng segment na Gimme 5: Laro ng mga Henyo ang Presidential Decree 1986 o ang nakasaad sa Implementing Rules and Regulations nito.

P. D. 1986 acknowledges the crucial role of prudent film and television regulation, ayon sa board.

Kinalampag kasi ng mga netizens ang MTRCB bunsod ng binitiwang linya ni Joey de Leon sa naturang segment.

Sila ni Vic Sotto ang segment hosts ng Gimme 5.

Sa partikular na segment na umere nitong September 23, a game required a player to enumerate at least five (5) items o bagay na isinasabit sa leeg.

The player was given 45 seconds para sa round na ‘yon pero isa lang ang naisagot nitong tama: necklace o kuwintas.

Dito na ipinasok ni Joey ang inirereklamong linyang binitiwan niya.

Aniya, “Lubid…lubid, nakalimutan n’yo!”

Ayon sa mga netizens, obyus naman daw na ang tinutukoy ni Joey na siyang gumagamit ng lubid ay ang mga taong nagpapakatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti.

Minsan nang nakatikim ng kaliwa’t kanang batikos ang MTRCB dahil umano sa naging desisyon nito sa pagpataw ng 12-day suspension sa It’s Showtime.

At the same time, napulaan din ang ahensya sa kawalan nito ng aksyon nang ireklamo ang “halikan” ng mag-asawang Tito Sotto at Helen Gamboa sa birthday celebration ng una sa E.A.T. Ronnie Carrasco III

Previous article4 LEDAC priority bills, aprubado sa final reading ng Senado
Next articleIya, nagsalita na sa balitang buntis!