Home METRO Lubid na humihila sa Andas naputol

Lubid na humihila sa Andas naputol

MANILA, Philippines- Naputol ang isa sa dalawang lubid na humihila sa andas ng Itim na Nazareno sa kasagsagan ng Traslacion nitong Martes, ayon sa Quiapo Church. 

Ibinalik ng mga deboto ang lubid sa Quiapo Church dakong ala-1 ng hapon.

“Confirm po ito. Naiuwi na po sa Simbahan ang naputol na lubid,” anito.

Naganap ang insidente bago lumiko ng andas sa Arlegui street at Quezon Boulevard.

Ayon sa Simbahan, maaaring makaapekto ang insidente sa daloy nh Traslacion. Subalit, umaasa itong mananatiling maayos ang aktibidad.

Anito pa, hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito. RNT/SA

Previous articleLTFRB: Pagpili ng modelo ng jeep para sa PUV modernization hawak ng kooperatiba
Next articleApple Dy, aminadong brutal sa kama!