Home NATIONWIDE Lucky bettor milyonaryo agad sa unang taya!

Lucky bettor milyonaryo agad sa unang taya!

MANILA, Philippines – Sa unang taya, milyonaryo agad!

Ito ang naging kwento ng isang babae mula sa Pampanga na nanalo ng P41 milyon na jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw noong June 2, 2023 na may na winning combination na 25-15-05-11-09-03.

Kwento ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos na kubrahin ng lucky bettor ang kanyang premyo.

Ayon sa instant milyonaryo bettor na naniniwala siya na ipagkakaloob ng Diyos ang suwerte ng isang tao kung nakatakda ito.

Samantala, nakubra na rin ang mahigit P29 milyon ang tinamaan ng isa pang lucky bettor matapos mahulaan ang lumabas na mga numero na 11-17-28-06-09-01 sa Grand Lotto 6/55 draw noong June 5, 2023.

Taong 1997 pa umano nagsimula ang lalaki na tumaya sa lotto. RNT

Previous articleOrMin broadcaster ‘killer’ hawak na ng NBI
Next articleP35M bulok na karne na nirerepak, binebenta ulit bistado sa Bulacan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here