Home ENTERTAINMENT Luis, nakipag-usap sa audience sa sign language, pinuri!

Luis, nakipag-usap sa audience sa sign language, pinuri!

Manila, Philippines – Kung hindi pa nagkaroon ng studio audience ang It’s Your Lucky Day na may diperensya sa pandinig ay hindi pa malalaman ng madlang pipol na marunong at nakakaintindi pala ng sign language si Luis Manzano.

Si Luis ang isa sa mga hosts ng programang pansamantalang pumalit sa It’s Showtime.

Bagama’t limited run o katumbas lang ng 12 live broadcast days ang IYLD ay halatang pinagbubutihan ng mga hosts ang pagtitimon nito.

Sa ikalawang araw nito ay umani ng papuri si Luis.

Ito’y dahil kaagad niyang naintindihan ang isang studio audience na sumesenyas sa kanya, danga’t nga lang ay may hearing impairment ito.

Kuwento ng TV host-actor, nagsasayawan daw sila ng mga sandaling ‘yon “When a studio audience was waving at me, pero itinuro niya ang tenga niya. ‘Di ko alam if he was deaf or hard of hearing but I understood what he meant…gusto niyang magsayaw!”

Lester ang pangalan ng studio audience who Luis welcomed to take part in the dancing.

Napansin agad ni Luis si Lester dahil medyo mataas ang kinauupuan nito sa audience gallery.

Inabisuhan naman ni Luis ang program director na aakyat siya sa kinaroroonan ni Lester na aniya’y “may konting problema sa pandinig.”

Tinanong tuloy siya ng direktor if he could communicate through sign language.

At doon na nga sa panayam ng PEP “nagkabistuhan” na bahagi pala ng curriculum ng Colegio San Agustin–where Luis finished his high school–ang sign language.

Pag-amin ni Luis: “Hindi ko siya nakakalimutan. Hanggang ngayon, I get to practice it!”

Hindi man daw perpekto ang paraang ginamit niya para magkaintindihan sila ni Lester, Luis was confident they understood each other.

Samantala, very much aware si Luis na limited run lang ang kanilang noontime program.

But Luis welcomes the idea kung sakaling i-extend ito sa ibang time slot as it means more jobs for people.

Ang latest update, mukhang extended ang IYLD. Ronnie Carrasco III

Previous article250 empleyado ng sinalakay na online lending application office sumailalim sa interogasyon
Next articleOccMin niyang ng M-4 lindol