Home ENTERTAINMENT Luis, Robi, at Melai, ipapalit sa pamasak sa Showtime!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Luis, Robi, at Melai, ipapalit sa pamasak sa Showtime!October 5, 2023 14:27 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Matutuloy na nga bang talaga ang effectivity ng 12-day suspension sa It’s Showtime mula October 14 hanggang sa 27?May balita rin kasing magdiriwang ng anibersaryo ang nasabing noontime program ngayong Oktubre.Palilipasin ba muna nila ito o itutuloy ang ‘di nito pag-ere as decided upon by the MTRCB?Naiulat namin dito sa Remate Online na kakailanganing gumamit pansamantala ng ibang program title.Habang sinusulat namin ito’y hindi pa inire-release ng ABS-CBN kung ano’ng pamagat ng ibang programang papalit temporarily sa suspendidong show.Pero sa radio program ni Cristy Fermin, nagbigay na siya ng pahimakas kung sinu-sinong hosts ang titimon ng programa.Initials lang ng mga first names ng hosts ang clues na ibinigay ni Cristy.Ito’y ang mga letrang L, R at M.Ang mga tagapakinig/tagapanood ng CFM ang aligaga sa paghuhula kung kaninong initials ang mga ‘yon.As it turned out, natuloy ang mga ‘yon bilang sina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros.Sa katunayan, malayo pa raw ang pagsisimula ng effectivity date ng suspensyon ay naka-dalawang taping days na ang bagong set of hosts.Aminin natin na hindi na bagito sa larangan ng hosting sina Luis, Robi at Melai base sa kani-kanilang mga previous stint.Siyempre, we already know what Melai will be there for.Comic relief, what else!Anyway, hindi na rin bago para sa Showtime ang makaranas ng suspension.Kung matatandaan, back in 2010 ay nasuspindi ito sa loob ng 20 live broadcast days.Bunsod naman ito ng ginawang paglabag ni Rosanna Roces sa isang segment na may kaugnayan sa mga titser.Osang was eased out of the segment as one of the judges, but just the same ay ipinatupad pa rin ang 20-day suspension. Ronnie Carrasco III