Home METRO Luneta dinagsa ng 6K indibidwal sa araw ng Pasko

Luneta dinagsa ng 6K indibidwal sa araw ng Pasko

MANILA, Philippines – UMABOT sa 6,000 indibidwal ang nagtungo sa Luneta sa Ermita, Maynila mula noong Bisperas hanggang nitong Pasko, Disyembre 25.

Mapayapa namang nilisan ang lugar sa pagdiriwang ng Pasko na sinasabing naging masaya ang ginawang salo-salo ng bawat pamilya.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office, bisperas pa lamang ng Pasko hanggang nitong Lunes ng gabi ay dinagsa na ang Rizal Park na isa sa pasyalan ng bawat pamilya.

Ayon sa ulat na isinumiti ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C Cruz, Commander ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, kay MPD- Director OIC, Police Colonel Arnold Thomas Ibay, naging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko sa lugar at inutos nito kay Police Captain Albert Cesar Badiola, Rizal Park Outpost ang seguridad sa bawat mamamayan na magtutungo sa Luneta.

Sa huli ng pagtitipon, bandang 8:00 ng gabi nitong Lunes ay inabot na sa mahigit 6,000 indibidwal ang nagtungo sa Rizal Park na bawat pamilya ay may mga kasamang bata.

Sa pinakahuling report, gabundok na basura ang naipon ng mga tauhan ng Department of Public Service (DPS) kasama ang mga tauhan ng Street Sweeper. Rene Crisostomo

Previous articleObrero todas sa pamamaril ng 2 kalugar sa Malabon
Next articleTINGNAN: La Loma sa araw ng Pasko