Home OPINION LUWAG TORNILYO, METAL FATIGUE SA EROPLANO

LUWAG TORNILYO, METAL FATIGUE SA EROPLANO

LUMILITAW na ang mga problema sa pampasaherong eroplano na nadisgrasya sa United States, lalo na ang Boeing 737 Max 9.

‘Yun bang === natanggalan ng isang pintuan sa kaliwang tagiliran at nalaglagan ng fuselage o frame sa ilalim o tiyan ng eroplano.

Maluluwag na mga tornilyo at metal fatigue ang kabilang sa mga dahilan ng nasabing eroplano.

Nang mainspeksyon ang mga Boeing 737 Max 9 na pinalilipad ng Alaska Air Lines at United Air Lines, iyon ang mga problema.

Ang Alaska Air Lines na nasibakan ng pintuan at fuselage ay may kargang 171 pasahero at 6 na crew, kasama ang mga piloto.

Siyempre pa, napasok ng hangin galing sa labas ang eroplano at lumabas din ang hangin mula sa loob nito.

Bukod sa nalaglag na pintuan, may nalaglag ding mga cellphone at muntik nang matangay ang isang bata palabas ng eroplano kung hindi ito nahawakan nang husto ng kanyang ina.

NAGKALASAN SA MALULUWAG NA TORNILYO AT METAL FATIGUE

Madaling maintindihan ang pagluluwag ng mga tornilyo at kapag hinigpitan ang mga ito, oks na.

Pero paano kung may metal fatigue?

Ang metal fatigue, mga Bro, ay ang pagkakaroon ng mga crack at pagnipis ng lahat ng mga bakal, aluminum at iba pang katulad ng mga ito na uri ng bakal.

Mismong mga tornilyo ay nagkaka-metal fatigue din kaya lumuluwang ang mga ito o nalo-loose-thread o nakakalbuhan ng mga ngipin.

Maaalala ba ninyo na parang bangka sa dagat na inuuga ng alon ang eroplano kung makasagasa ito ng mga ulap at masamang panahon o kaya biglang babagsak at manginginig kung makapasok ito sa isang air pocket?

Kapag lumanding din ito, ramdam na ramdam ang pag-uga ng eroplano pagkakonek ng mga gulong nito sa lupa.

Lahat ng mga galaw ng eroplano ay nagpapahina sa mga bakal at maging ang mga higpit ng mga tornilyo na nagkokonekta sa iba’t ibang bahagi ng eroplano, kasama ang mga pintuan.

Ang kahabaan naman ng fuselage na roon nakakabit ang mga pakpak, makina, buntot at maging ang mga cockpit o pwesto ng mga piloto at kargada sa ilalim, nanghihina rin sa pagkakadugtong gamit ang mga tornilyo.

Pero nanghihina rin mismo ang mga bakal, halimbawa kung kinakalawang na.

MAG-INSPEKSYON LAGI

Sa naunang mga disgrasya ng Boeing 737 Max 8 na gamit ng Lion Air at Ethiopean Air Lines, lahat ng kanilang mga pasahero namatay.

May 189 patay sa Lion Air habang may 157 patay sa Ethiopean Air Lines.

Parehong bumulusok ang mga eroplano sa lupa, sumabog at nasunog dahil sa problema sa MCAS o Maneuvering Characteristics Augmentation System para pag-angat at pagbulusok ng eroplano.

Pamilya ng Boeing 737 Max 8 ang Max 9 na natanggalan naman ng pintuan at fuselage.

Pero ang punto natin, mga Bro, lahat ng mga lumilipad sa Pinas na mga eroplano, dapat laging iniinspeksyon para makita ang mga depekto at maayos bago payagang lumipad para sa kaligtasan na rin ng lahat.

Previous articleSTATE OF EMERGENCY SA ECUADOR SA DROGA
Next articleDry run sa unified RFID system nagsimula na