MANILA, Philippines- Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang car dealer kung saan nasa halos 200 local at mga imported na luxury vehicle ang kanilang nadatnan na ang karamihan ay may mga kuwestiyonableng dokumento sa Barangay Ugong, Pasig City.
Alinsunod sa Letter of Authority na nilagdaan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, sinalakay ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intelligence Group (CIIS-IG) ang nasabing car dealer nitong Hulyo 4, 2023 dakong alas-6 ng gabi.
Pagdating sa dealership, nakakita ang team ng 197 imported at locally sourced na sasakyan. Gayunpaman, 87 sa mga nasabing unit ang natukoy na may mga kuwestiyonableng dokumento. Nakumpleto ang 100% na imbentaryo nitong Hulyo 6, 2023.
“There was reportedly no tight lockdown in the showroom. This was because of the unusual location of the car hub wherein the compound is being shared by several other business establishments. If a tight lockdown was put in place, our team would have also compromised the operations of the other businesses there,” ani CIIS Director Verne Enciso.
“Every operation we conduct is a product of intense brainstorming and weeks of monitoring, analyzing, and investigation. We don’t go out there on a whim. Our team has been working day and night to confirm each information we get from our sources,” dagdag pa ni Enciso.
Kabilang sa 87 sasakyan na kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa mga kuwestiyonableng dokumento ay ilang unit ng Lexus, Mercedes Benz, Porsche Macan, Jaguar, GMC Savana, McLaren, Ferrari, Lamborghini, Audi, at Land Rover.
“Under Section 224 of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), the interested party have 15 days from implementation of the Letter of Authority within which to submit evidence of payment of correct duties and taxes due on the subject imported goods, otherwise the same will be ordered seized and undergo corresponding forfeiture proceedings pursuant to Customs Administrative Order No. 10-2020,” saad ng BOC.
Nakabinbin ang pagsusumite ng kinakailangang katibayan ng pagbabayad, ang mga ahente at opisyal ng BOC ay dapat magbantay sa sa nasabing car hub upang ma-secure ang mga sasakyang nasasakupan 24/7. JAY Reyes