Home NATIONWIDE Luzon Grid isinailalim sa yellow alert – NGCP

Luzon Grid isinailalim sa yellow alert – NGCP

236
0

MANILA, Philippines- Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa yellow alert status nitong Martes na hapon, dahil sa kakulangan ng operating margin upang katagpuin ang kasalukuyang demand.

Sa abiso, sinabi ng NGCP na isinailalim ang Luzon Grid sa yellow alert status — nangangahuluhan na may manipis na reserba ang grid base sa suplay at demand — mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon ngayong Martes.

Ang available capacity ng grid ay naitala sa 12,705 megawatts, kumpara sa peak demand na 12,222 megawatts.

Inihayag ng Department of Energy noong Mayo na May inaasahang ilalagay ang grid sa yellow alert status 15 beses para sa natitirang bahagi ng taon, at nagbabala ng posibilidad ng red alert. RNT/SA

Previous articlePH vehicle sales sumampa sa 36,311 units noong Hunyo
Next articleAwra, may atraso kay Vice!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here