Home NATIONWIDE Luzon, Visayas grids inilagay sa yellow alert

Luzon, Visayas grids inilagay sa yellow alert

MANILA, Philippines – Muling ilalagay sa yellow alert ang Luzon at Visayas grids ngayong hapon ng Miyerkules, Mayo 22, dahil sa mga plantang naka-forced outage o tumatakbo sa derated capacity.

Sa abiso, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ilalagay ang Luzon Grid sa yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon, at mula alas-8 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.

Iniulat ang grid na magkakaroon ng available capacity na 14,818 megawatts, kumpara sa peak demand na 13,628 megawatts, dahil ang 1,911.3 megawatts ay unavailable.

Ito ay dahil naka-forced outage ang tatlong planta mula pa noong 2023, apat sa pagitan ng Enero at Marso, at 11 sa pagitan ng Abril at Mayo, habang anim ang tumatakbo sa derated capacities.

Samantala, ang Visayas Grid ay ilalagay sa yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon, at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi, sa available capacity na 2,961 megawatts laban sa peak demand na
2,625 megawatts.

Mayroong 532.1 megawatts na hindi available sa grid dahil isang planta ang naka-forced outage mula 2022, dalawa mula 2023, dalawa sa pagitan ng Enero at Marso, at 14 sa pagitan ng Abril hanggang Mayo, habang lima ang tumatakbo sa derated capacities.

Ang yellow alert ay nangangahulugan na manipis ang operating margin at kulang para tugunan ang contingency requirement ng grid. RNT/JGC