Home NATIONWIDE LWUA sa nasasayang na tubig sa labas ng NCR: Sobrang taas

LWUA sa nasasayang na tubig sa labas ng NCR: Sobrang taas

MANILA, Philippines- Inihayag ng Local Water Utilities Administration (LWUA) nitong Martes na tinutugunan nito ang water wastage sa labas ng Metro Manila, na umaabot sa 488 million metric tons o halos kalahati ng Angat Dam kada taon, sa pagtama ng El NiƱo phenomenon.

“Sobrang taas,” ani LWUA chairman Ronnie Ong nang tanungin ukol sa rate ng water wastage sa labas ng capital region.Ā 

“When I assumed office 2 months ago, ako mismo nagulat. We are averaging around 488 million metric tons na tinatapon natin yearly. That’s half of Angat Dam.”

Hawak ng LWUA ang water districts sa labas ng Metro Manila.Ā 

Base kay Ong, ang worldwide average para sa water wastage ay halos 20 porsyento. Subalit sa Pilipinas, sinabi niyang umaabot ang average nito sa 30 porsyento.

“We have around 532 water districts under LWUA. And out of the 532, we have around 244 who have numbers higher than 30 percent. And out of the 244, 20 [percent] of them have 21 percent up to 71 percent ang percentage na tinatapon na tubig,” sabi ni Ong.

“Do you know that some water districts na ‘yung pipes nila panahon pa ng Japanese? Asbestos type. There’s also sanitation that comes in. Kailangan po talaga nating tingnan,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleIRR ng Maharlika Investment Fund inilabas na – Diokno
Next articleBinatang nag-Tiktok sa tuktok ng waterfalls, patay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here