Home NATIONWIDE Maalinsangang panahon ibinabala ng PAGASA

Maalinsangang panahon ibinabala ng PAGASA

MANILA, Philippines – Nananatili pa rin ang amihan o northeast monsoon ngunit ibinabala ng weather bureau ang maalinsangang panahon dala ng El Niño sa maraming bahagi ng bansa.

Ayon kay PAGASA Climatology and Agrometeology Division officer-in-charge Ana Liza Solis, ang mga residente sa urban areas tulad ng Metro Manila ay mas malamang na makaramdam ng mas mainit na panahon sa hinaharap.

“Siyempre mas mainit dito sa urban area kasi meron tayong tinatawag na urban heat island effect. Kapag nagkakaroon na ng init, nahihirapan nang mag-bounce back yung ating mga init sa itaas. Dagdag pa yan kung sa araw ay walang ulap and then pagdating sa gabi ay maraming kaulapan, thats that time na tumataas yung ating alinsangan at init,” ani Solis sa isang ulat.

Pinayuhan naman ni Philippine Medical Association president Dr. Maria Minerva Calimag ang publiko na maging mas maingat upang maiwasan ang heatstroke at iba pang kondisyong medikal na nauugnay sa init.

“Importante na lagi silang hydrated, magdala sila lagi ng tubig para meron silang maiinom. Siguraduhin na alam nila kung saan yung merong shade, makakatulong yun para mag-cool down yung temperature nila,” ani Calimag. Santi Celario

Previous articleFree Professional Exam bill gumulong na sa Kamara
Next article131 cybercriminals naaresto ng PNP-ACG