MANILA, Philippines – Inaasahan ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Pebrero 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa labla nito, inaasahan pa rin ang mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley at Davao region.
“Bahagyang lalakas ang epekto nitong hanging amihan, at magdadala ng mga mauulap na papawirin na may mga pagulan dito sa Cagayan Valley ,” sinabi ni Pagasa weather specialist Grace Castañeda.
“Samantala sa malaking bahagi o sa nalalabing bahagi ng Luzon makakaranas tayo ng maaliwalas na panahon at kung may mga pagulan ay mahihina at may pagambon lamang,” dagdag pa niya..
Maliban dito, asahan din ang maayos na panahon sa kabuuan ng Visayas at malaking bahagi ng Mindanao habang ang rehiyon ng Davao ay posibleng ulanin. RNT/JGC