MABAGAL NA AKSYON NI KAP

MABAGAL NA AKSYON NI KAP

May 22, 2020 @ 10:46 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Reklamo ng mga residente ng Barangay 150 Zone 13, Juan Luna Street, Tondo ang ating bibigyan ng daan na mailathala kaugnay sa patay-patay na namumuno sa kanilang barangay.

Sabi, ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na ayuda mula sa gobyerno.

Basahin natin ang reklamo sa pamahalaang baranagy ni Chairman Jerkson Red.

Dear Sir Johnny, ako po ay residente ng Barangay 150 Zone 13 sa Juan Luna Street, Tondo, Manila.

Hanggang ngayon po ay wala pa ring nakararating na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa aming barangay.

Napakagrabe, Sir Johnny, ni hindi maipaliwanag ng maayos ng aming barangay kapitan na si Idol ko si Kap Jerkson Red tungkol sa ayuda ng DSWD at palagi lamang ang sinasagot ni Idol ko si Kap sa katamaran ay pina-follow-up na nila!

Halos mag-2nd Wave na ang ayuda ng DSWD o DOLE pero hanggang ngayon ay wala pa ring natatanggap na ayuda ang aming barangay sa hindi namin malaman na kadahilanan.

Ang masakit pa, Sir Johnny, ni form ay walang maipakita o maipamudmod si Idol ko si Kap.

Kahit solo parent  wala rin sa aming barangay gayung ‘yung ibang barangay na ka-sona namin gaya ng Brgy.149 at Brgy. 151 Zone 13 ay 2nd Wave na!

Ang pinagtatakhan lang namin ay kung bakit ang aming barangay ay palaging walang ayuda na nakararating ganong kailangan din namin ang pera.

Ang daming nagtatanong kay Chairman Red pero nakababanas ang mga sinasagot niya.

Hindi niya maipaliwanag nang maayos sa kanyang mga kabarangay kung bakit palaging walang ayuda na natatanggap ang aming barangay.

Natural na magtatanong ang mga tao dahil wala pa rin natatanggap ang barangay niya hanggang ngayon na magse-2nd Wave na.

Puro lang siya porma, pati ‘yung Secretary at Treasurer niya na kapag nagtatanong ang mga tao sa kanila, eh, puro hindi nila alam ang sagot nila.

Pati tuloy mga kagawad niya ay nahahawa na rin sa kanya.

‘Pag tinanong mo ay hindi rin nila alam.

Eh, papaano hindi mini-meeting ni Chairman ang mga ito.

Nagugulat na lamang ang mga kagawad sa pinaggagawa niya, maging ang bigayan ng pera ay hindi niya inaasikaso.

Palibhasa tamad siya, gusto yata niya ay ibabagsak na lang sa kanya ang pera!

Salamat po!

Hoy, chairman, kung totoo ang sumbong, kumilos ka naman.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com.

Share

Leave a Reply

Loading...