Home NATIONWIDE Mabagal na pagbili ng textbooks ng DepEd tatalupan ng Senado

Mabagal na pagbili ng textbooks ng DepEd tatalupan ng Senado

MANILA, Philippines- Naghain ng isang resolusyon si Senador Win Gatchalian sa Senado upang imbestigahan ang hindi maayos at mabagal na pagbili ng textbooks ng Department of Education (DepEd).

Sa Senate Resolution No. 972, pinaimbestigahan din ni Gatchalian ang pagbili ng iba pang learning materials na nagiging sagabal sa pag-unlad ng kamalayan ng mga mag-aaral.

Pinagbasehan ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, ang findings ng Southeast Asian Primary Learning Metrics (SEA-PLM) at ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na iniulat na maraming estudyante ang hindi kumpleto ang libro.

“Considering the significant role of textbooks and other learning materials in enabling learners to acquire the necessary knowledge and develop critical thinking skills, there is an urgent need to address problems in the DepEd’s procurement of textbooks and other learning materials,” ayon kay Gatchalian sa resolution.

Sinabi ni Gatchalian na layunin ng imbestigasyon na tukuyin at tugunan ang hamon sa pagbili ng libro at mga puwang, gayundin ay makalikha ng complementary o amendatory legislation.

“In the absence of textbooks, learners and teachers use learners’ manuals, self-learning modules (SLM), activity sheets, and other locally developed learning resources,” giit ni Gatchlian.

“The production of SLMs was charged against the learning resources under the flexible learning options and did not use the funds allocated for the procurement of textbooks. however, concerns were raised about the quality of SLMs and teachers extracting content from copyrighted textbooks,” dagdag niya.

Binanggit ng mambabatas ang SEA-PLM 2019 result na nagpapakita na umabot sa 26.2% ng Grade 5 learners sa Pilipinas ang walang textbooks o nanghihiram ng language textbook sa ibang estudyante.

Binanggit din ng EDCOM II Year One Report na mababa ang paggamit ng badyet sa pagbili ng textbook at iba pang instructional materials.

Ayon sa EDCOM II, sa P12.648 bilyong kabuuang alokasyon mula sa fiscal year 2018 hanggang 2022, tanging P4.470 bilyon o 35.3% ang nagamit at P951.9 milyon o 7.5% ang naibayad.

“The findings of the EDCOM II Year One Report revealed that since the K to 12 curriculum was introduced in 2013, only 27 textbook titles have been procured by the DepEd out of 90 textbook titles required from Grades 1 to 10, with only Grades 5 and 6 having complete set of textbooks for all subjects,” giit pa ni Gatchalian sa resolusyon.

Tinukoy din ni Gatchalin ang procurement issues na natuklasan ng EDCOM sa DepEd, National Book Development Board, at grupo ng private textbook publishers:

  • “Insufficient development time with DepEd giving only six months from textbook call despite the typical 18-month timeline required for the development of quality textbooks.

  • High participation cost with steep evaluation fees of P25,000 per title or a P150,000 cumulative fee for titles covering Grades 1 to 6 for one subject, without guarantee that their manuscripts will be selected for publication.

  • Prolonged review processes of learning materials at both the selection and finalization stages.

  • Pricing issues with DepEd having less flexibility in adjusting textbook prices despite imposing higher standards for paper quality and production timelines compared to their private sector counterparts.

Ibinigay ang resolusyon ni Gatchalian sa Senate committee on finance bilang primary committee, at secondary referral sa committee on basic education. Ernie Reyes

Previous articleMga sundalo pinagsasanay sa Arnis
Next articleBarangay official todas sa salpukan ng motorsiklo