MANILA, Philippines – Inaasahan na bibigat ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway dahil sa mga motoristang pauwi ng Metro Manila sa pagtatapos ng long weekend at Undas break.
Nasa 10% dagdag sa volume ng sasakyan ang inaasahan na dadaan ng NLEX pauwi ng Metro Manila.
Ayon sa pamunuan ng NLEX nitong Sabado, Nobyembre 4, nagkaroon na ng bahagyang pagdami sa pila ng mga sasakyan sa mga toll plaza at interchanges.
“Ngayon kasi meron na po tayong namonitor na volume na pabalik ng Metro Manila. Actually starting mga 10 a.m. kanina, medyo may pabugso-bugso ng intermittent na pagpila dito sa Tarlac toll plaza, ‘yung unang toll plaza ng SCTEX and then intermittent po yun siguro hanggang kaninang before 6pm,” pahayag ni Robin Ignacio, NLEX head ng Traffic Operations.
“Tapos nagkaroon din tayo ng medyo dito sa Bocaue toll plaza pero maiksi lang naman po pero tuloy-tuloy din po kanina after 12 noon meron na po tayong pagpila.”
“Yung Sunday afternoon yun parin po ang pinakamarami dagsa ng ating volume. Inaanticipate po natin na mas dagsa po tomorrow mga siguro as early as 2 p.m. hanggang gabi na po yan and then bahagyang baba po siguro after midnight and then madaling araw napo siguro hanggang early morning na ng Monday meron pa rin po,” pagpapatuloy pa ni Ignacio. RNT/JGC