Home HOME BANNER STORY Mabigat na daloy ng trapiko sa Peb. 2-5 ibinabala ng DOTr

Mabigat na daloy ng trapiko sa Peb. 2-5 ibinabala ng DOTr

MANILA, Philippines – Ibinabala ng Department of Transportation ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila sa Pebrero 2 hanggang Pebrero 5.

Anang DOTr ang pagbigat ng trapiko  ay dahil sa isasagawang ransportasyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP’s) Tunnel Boring Machine (TBM) sa D. Julia Vargas Avenue.

Ayon sa Facebook post ng DOTr, maaaring mabigat ang trapiko sa mga sumusunod na lugar simula alas-10 ng gabi. hanggang 4 a.m. sa Pebrero 2 hanggang 3 at Pebrero 4 hanggang 5:

5th Avenue (sa pagitan ng 11 p.m. hanggang 12 midnight)

Araneta Avenue (sa pagitan ng 1 a.m. hanggang 2 a.m)

Ortigas Avenue – C5 Road (sa pagitan ng 2:30 a.m. hanggang 3:30 a.m)

Doña Julia Vargas Avenue (sa pagitan ng 3:30 a.m. hanggang 4:00 a.m)

Gagamitin ang TBM sa paggawa ng mga tunnel na magdudugtong sa Ortigas Avenue Station ng MMSP, Shaw Boulevard Station, at Kalayaan Avenue Station.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa nasabing mga petsa at iskedyul. Santi Celario

Previous articleUniTeam buo pa rin, “still vibrant, still working”- PBBM
Next articlePrice freeze sa LPG, kerosene sa Davao ipinatupad