MANILA, Philippines- Inihayag ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na nahaharap ang Pilipinas sa ilang mga hamon sa isyu ng bigas kabilang ang export ban sa India, El Nino phenomenon, mga bagyo at hoarding.
“May bigas, nag di-disappearing act…Ang hirap labanan ng hoarders dahil andami nilang warehouse,” giit niya.
Sa ilalim ng House Bill 9030, mahaharap ang hoarders sa minimum na 10 taon hanggang maximum na 30 taong jail time maging minimum na P1 milyon hanggang maximum na P100,000 milyong multa.
Ani Quimbo, base ito sa Philippine Competition Act, at iginiit na ang hoarding “is a form of cartel.” RNT/SA