Home HOME BANNER STORY Mabilis na hustisya para sa inambush na 4 sundalo iniatas ng Malakanyang

Mabilis na hustisya para sa inambush na 4 sundalo iniatas ng Malakanyang

MANILA – Kinondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pananambang na ikinasawi ng apat na sundalo mula sa kamay ng mga hinihinalang teroristang Dawlah Islamiya (DI) sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Tinawag ni Marcos ang pananambang na “kasuklam-suklam” at  aniya pa ay nagpapatibay lamang ito sa “dedikasyon ng gobyerno na puksain ang terorismo mula sa rehiyon at sa ating buong bansa.”

“Mahigpit naming kinokondena ang duwag na pananambang na tumama sa apat sa ating magigiting na sundalo sa Maguindanao del Sur noong Marso 17,” sabi ng Pangulo.

Ipinag-utos naman ni Marcos ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

“Under my administration, we remain resolute in our pledge to ensure that justice is swiftly served for our fallen heroes. I have instructed the immediate provision of benefits and assistance to support the families they leave behind,” ayon sa Pangulo.

“Let this tragic event unite us in our unwavering commitment for a safer, stronger, and insurgency-free Philippines. Together, we shall prevail against these acts of violence.”

Ayon sa mga ulat, ang mga sundalo ay pabalik sa base sa paligid
10 a.m. noong Linggo matapos bumili ng pagkain at mga gamit sa opisina nang mangyari ang pag-atake.

Tatlong miyembro ng Army’s 40th Infantry Battalion (IB), at isa pang miyembro ng 3rd Army Cavalry, pawang nasa ilalim ng 601st Infantry Brigade, ang nasawi sa pananambang. RNT

Previous article3 MWP timbog sa hiwalay na anti-criminality ops
Next articleLandslide victory nakamit ni Putin sa Russia election!