Home METRO Mabini mayor, 2 kapatid timbog sa ilegal na baril, pampasabog

Mabini mayor, 2 kapatid timbog sa ilegal na baril, pampasabog

BATANGAS – Inaresto ng awtoridad si Mabini, Batangas Mayor Nilo Villanueva at kanyang mga kapatid sa magkakasunod na raid na isinagawa sa kanilang mga bahay nitong Sabado ng madaling-araw.

Isinagawa ang mga raid sa bisa search warrant na iniisyu ni Antipolo City RTC Branch 74 Executive judge Mary Josephine Lazaro dahil sa sinasabing pag-iingat ng mga ito ng iligal na baril.

Nakumpiska kay Villanueva ang isang maliit na camouflage design pouch na naglalaman ng hinihinalang explosive device.

Nahaharap si Villanueva sa paglabag sa RA 9516 or Law on Explosives.

Sumunod na sinalakay  ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR at Special Action Force ang bahay ng kapatid ni Villanueva na 46 anyos, dating pulis sa Sitio Pook, Barangay Pulong Niogan, Mabini, Batangas kung saan nakuha ang umano’y hand grenade, at 16 piraso ng mga bala.

Ikatlong sinalakay ng mga awtoridad  ang bahay ni Bayani Villanueva sa Sitio Silangan, Barangay Sto. Tomas.

Si Bayani Vilanueva ay barangay chairman at president ng Association of Barangay Chairman sa Mabini na nakuhanan naman ng ilang baril, 10 bala at isang unit ng MK2 Hand fragmentation grenade.

Sinalakay din ang bahay ng isa pang kapatid ng alkade sa Sitio Kanluran, Barangay Sampaguita pero wala siya nang isagawa ang operasyon pero nakumpiska sa bahay ang isang baril at 10 piraso ng mga bala.

Dinala naman si Mayor Villanueva at dalawang kapatid sa Camp Crame sa Quezon City. RNT

Previous articleFil-Am na iniulat na nawawala, bangkay na nang makita sa creek sa Brooklyn
Next article90s matinee idol Patrick Guzman, pumanaw na!