Home NATIONWIDE Mag-ama bistado sa kasong pagnanakaw sa Pasay

Mag-ama bistado sa kasong pagnanakaw sa Pasay

Dinakip ng mga miyembro ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ang mag-ama matapos masangkot ang mga ito sa kasong pagnanakaw sa condominium unit ng isang Malaysian national nitong Martes (Pebrero 27) sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. ang mag-amang suspects barangay kagawad, kapwa residente ng Sta. Ana, Manila.

Ang biktimang Malaysian national ay nakilala naman na si Tang Yit San, 30, naninirahan sa isang condominium unit na matatagpuan sa Macapagal Boulevard, Pasay City.

Sinabi ni Mayames na noong una ay nagreport sa pulisya di-umano si alyas Luis, na nagtatrabaho bilang driver at bodyguard ng biktima, tungkol sa insidente ng robbery-holdup na nangyari sa loob ng condominium ng kanyang amo dakong ala 1:30 ng hapon noong Pebrero 26.

Sa salaysay pa ni alyas Luis ay sinabi nito na natangay ng mga suspects ang sling bag ng kanyang amo na naglalaman ng P50,000, iPhone 12 Promax, at iba pang mahahalagang gamit pati na rin ang pera ng kaibigan ng biktima na nagkakahalaga ng P33 milyon ay nakulimbat din.

Sa kabila ng mga sinabi ni alyas Luis sa pulisya at sa patuloy ng pagsasagawa ng imbestigasyon ay nadiskubre ng mga imbestigador sa cellphone nito ang palitan ng text messages ng mag-ama sa kanilang plano ng pagnanakaw sa biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Nahaharap sa kasong robbery ang mag-amang suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police. (James I. Catapusan)

Previous article3 hacker buking, FB page ng PCG narekober na
Next articleParak patay sa sagasa ng pick-up