Home METRO Mag-amang magsasaka timbog sa mga baril, bala sa Bulacan

Mag-amang magsasaka timbog sa mga baril, bala sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang mag-amang magsasaka na nahulihan ng mga baril at mga bala matapos silbihan ng Search Warrant (SW) ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Sa report kay Bulacan Police PCOL. Relly Arnedo, nakikala ang naarestong sina alyas Florante, 56 at at Jayar, 36 kapwa residente ng Brgy. Buhol na Mangga.

Ayon sa report, isinilbi ang SW na inisyu nitong Pebrero 7 ng Third Judicial Region, Regional Trial Court Branch 81, Malolos dahil sa RA 10591 ng San Ildefonso police station sa pangunguna ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano katuwang ang Bulacan PIU, 3rd MP, 2nd PMFC at RMFB3 nitong umaga ng Pebrero 8 sa Brgy. Buhol na Mangga.

Narekober kay Florante ang 5.56 M16 rifle, apat na magazine, 78 pirasong bala nito, caliber 30 carbine rifle, dalawang magazine, 48 bala nito, 27 bala ng caliber 45, airgun rifle with sliencer and scope, tatlong rifle scopes, dalawang oxygen gas tank at leather magazine pouch.

Samantala, nasamsam naman sa anak ang improvised shot gun, apat na bala nito at pitong bala ng caliber 45.

Sinasabing ang operasyon ng mga awtoridad ay dinaluhan ng dalawang halal na opisyal ng naturang barangay.

Nahaharap ang mag-ama sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleVillanueva sa paratang na friendship sila ni Napoles: ‘Liars go to hell’
Next articleJillian, binansagang ‘Pambansang Fianceeé’!