Manila, Philippines – In recent years, kapansin-pansin na nabibisto na lang if a number of married celebrity couples are going through some rough patch ay sa pamamagitan ng social media.
Social media is so powerful that no one can run away from it.
Lahat ng kilos, tiyak na lalabas.
Bawat pangyayari, dokumentado.
Hindi rin nalalayo ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Trending topic ang umano’y tsikang nagkakaproblema ang couple, dahil na rin sa kapangyarihan ng social media.
May lumabas kasing larawan si Richard na nagtatampisaw sa swimming pool with their kids.
Kapansin-pansing nowhere in sight si Sarah sa photo posted on Richard’s Instagram account.
Separately, nagpost din si Sarah ng picture with the kids on IG minus Richard.
Doon na nagsimulang magtanungan ang mga netizens.
“Why no pic with Richard?” sey ng isa.
“Are you going through some kinks in your relationship?” hirit ng isa pa.
Lalong tumibay ang hinala ng mga netizens nang matuklasang wala rin pala sa recent birthday celebration ni Sarah ang aktor.
Similarly, hindi rin isinama ni Richard si Sarah sa Opulence Halloween Party organized by his twin brother kamakailan sa Marquis Events Place sa BGC.
Pero ayon kay Sarah, that day raw ay umalis sila ng kanilang mga anak kaya hindi siya naka-attend.
Hindi nga nakaligtas sa mga mapanuring netizens ang kawalan sa social media ng mga litrato nina Richard at Sarah na magkasama, na dati naman daw nilang pinopost.
Ang huli pa raw post that they were together ay nang um-attend sila ng kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia?
Eh, kelan pa raw ‘yon at ano’ng petsa na ngayon? Ronnie Carrasco III