Home METRO Mag-asawang tulak; 2 pa timbog sa Bulacan buy-bust

Mag-asawang tulak; 2 pa timbog sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Kulong ang dalawang pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P16,320 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Rico Endaya at Steven Pastrana.

Sa report ni San Ildefonso chief of police PLTCOL. Russel Dennis Reburiano kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, naganap ang operasyon bandang 1:30 ng madaling araw nitong Enero 16 sa Brgy. Sapang Putol.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 2.4 gramo na pinaghihinalaang shabu na halagang P16,320.

Samantala, bandang alas- 4:00 ng umaga sa kaparehong petsa, operasyon at bayan, huli rin ang mag-asawang suspek na sina Ariel Tapang at Marynie Tapang sa Brgy. Pala-pala.

Narekober naman sa operasyon ang 4.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na halagang P30,600.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleInt’l shrine status target maabot ng Padre Pio shrine sa Batangas
Next article90% NA TARGET PARA SA NATIONAL ID NAKAMIT NG PSA