Home METRO Mag-ina, 1 pang kaanak patay sa sunog sa Pangasinan

Mag-ina, 1 pang kaanak patay sa sunog sa Pangasinan

MANILA, Philippines – Patay sa sunog ang mag-ina at isa pang kaanak nito nang makulong sila sa nasusunog na bahay sa Binmaley, Pangasinan.

Ayon sa ulat, nangyari ang sunog sa Barangay Baybay Lopez.

Nakita ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na mga bangkay ng mga biktima sa isang kwarto.

Hindi pa tukoy kung ano ang sanhi ng sunog at kung may kinalaman ba ang pagsusunog ng basura sa nangyaring trahedya.

“Yung iimbestigahan namin kung saan nagsimula ‘yung sunog at yung cost of damages,” sinabi ni FO1 Denissa Vinluan, Public Information Officer ng Binmaley Fire Station sa panayam ng GMA News.

Bukod sa bahay ng mga nasawi, tatlong katabing bahay din ang nadamay sa sunog. RNT/JGC

Previous articlePresyo ng isda, tumaas!
Next articleMahigit 1K PUVs binigyan ng special permit sa Holy Week 2024 – LTFRB