Home METRO Mag-ina, kinatay ng lasing na kapitbahay

Mag-ina, kinatay ng lasing na kapitbahay

ZAMBOANGA DEL SUR- PATAY ang mag-ina matapos ataduhin ng saksak ng lasing na kapitbahay noong Lunes, Abril 15, sa bayan ng Vincenzo Sagun.

Kinilala ang mga nasawi na sina Maria Shennah Wayan Capilitan, 32-anyos, at anak nitong si Fe, 14, kapawa residente ng Purok Punta Blanco sa Barangay Lunib, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Juvanie Salazar, 27-anyos, at residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa report ng Vincenzo Sagun Municipal Police Station, naglalakad ang batang Capilitan patungo sa tindahan ng bigla na lamang itong salubungin ng suspek na armado ng patalim.

Dito, pinagsasaksak ang dalagita sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nalaman naman ng ina ang nangyari sa anak kaya mabilis nitong pinuntahan ang anak para tulungan subalit maging siya ay pinagsasaksak ng suspek sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman rumesponde ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap ngayon sa dalawang kasong pagpatay ang suspek.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen./Mary Anne Sapico