Home METRO Mag-ina sabay na nakapasa sa Pharma Licensure exam

Mag-ina sabay na nakapasa sa Pharma Licensure exam

MANILA, Philippines – Parehong nakapasa sa Pharmacists Licensure Examination ang isang mag-ina na nagmamay-ari ng botika  mula  sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga ito na sina Chat at Pat Seploc na nakamit ang kanilang layunin ng sabay matapos matagumpay na maipasa ang pagsusulit ng sabay.

Natapos ni Chat ang kursong management course noong 2012 at hindi nagtagal ay pumasok sa pharmaceutical industry at noong 2017 nagpasya siyang kumuha ng kursong pharmacy para mas mapalawak pa ang kanyang kaalaman.

Samantala, ang kanyang anak na si Pat ay pumasok sa kolehiyo noong 2019 at kumuha din ng parehong kurso.

Natapos nila ang kanilang kursong sa magkahiwalay na eskuwelahan at noong Hulyo ay kapwa nag-rebyu para sa kanilang licensure exams.

Magkatabi rin sila ng upuan noong araw ng licensure exams dahil pareho ang kanilang surnames.

Ang resulta naman ng exams ay lumabas noong nakaraang linggo na dahilan ng pagiging emosyonal ng mag-ina.

Pinayuhan din ng mag-ina ang mga gustong maabot ang kanilang mga pangarap na huwag sumuko sa halip ay patuloy na lumaban at  gawing inspirasyon ang pamilya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleSenior high stude patay sa pag-ibig
Next articleTaguig may abiso sa mga negosyange sa EMBO barangays