Home HOME BANNER STORY Mag-inang Singaporean timbog sa P76M cocaine sa NAIA 3

Mag-inang Singaporean timbog sa P76M cocaine sa NAIA 3

MANILA, Philippines – Aabot sa tinatayang mahigit P76 milyong halaga ng ilegal na droga na dala ng dalawang babaeng Singaporean ang nasabat ng mga operatiba ng PDEA-IADITG at NAIA Customs sa NAIA Terminal 3 Pasay City.

Naaresto naman ang mag-inang pasahero na 63-anyos at 39-anyos, kapwa Singaporean national.

Sakay ang mag-ina ng Qatar Airways Flight QR 928 na lumapag sa NAIA Terminal 3 Pasay City, mula Doha, Qatar.

Nadiskubre ang cocaine na inilagay sa malalaking capsule sa lata ng biskwit, canister, at mga kahon na itinago sa ilalim ng kanilang luggage.

Kabuuang 14,360 gramo ang timbang ng mga nasabat na cocaine na may street value na aabot sa P76,108,000.

Ang mga nasabat na cocaine ay naiturn-over na sa PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon, habang dadalhin naman ang mag-inang inaresto sa PDEA main sa Quezon City, para sa malalimang imbestigasyon. Dave Baluyot

Previous articleEconomic sabotage, krimen vs menor, ibubukod sa Indeterminate Sentence Law
Next articleThailand giba sa Gilas sa Asian Games 2023