Home METRO Mag-live-in partner na tulak, arestado sa P170K shabu sa Valenzuela

Mag-live-in partner na tulak, arestado sa P170K shabu sa Valenzuela

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang mag-live-partner matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang madakip ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi, Marso 14.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas ‘Jericho’, 22 at alyas ‘Mica’, 29, kapwa residente ng Santos Compound, Bukid St., Brgy. Malinta.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Major Rivera na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng magpartner kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Regie Pobadora ang buy bust operation kontra sa mga suspek, katuwang ang Malinta Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt. Doddie Aguirre.

Matapos tanggapin ni ‘Jericho’ ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama si ‘Mica’ dakong alas-9:00 ng gabi sa labas ng kanilang bahay.

Ani PSSg Elouiza Andrea Dizon, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu, 5 grams ng marijuana na umaabot lahat sa halagang P170,600, buy bust money at isang timbangan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan

Previous articleMas maraming ugnayan sa Czech sa cybersecurity, target ni PBBM
Next articleVice, nagparamdam ng paglipat ng Showtime sa GMA!