Home METRO Mag-utol na nanggahasa sa tiyahin nalambat!

Mag-utol na nanggahasa sa tiyahin nalambat!

BAGABAG, Nueva Vizcaya- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas dalawaang magkapatid matapos nilang gahasain ang kanilang tiyahin sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang mga akusado ay number 4 at number 5 Top Most Wanted Person sa provincial level na edad 22 at 19.

Sa liblib na lugar ay magka-kapitbahay lamang ang mga akusado at kanilang tiyahin na biktima kaya posibleng napagbalingan nila ang biktima at pinagsamantalahan para makaraos sa makamundong pagnanasa.

Nangyari ito noong nakaraang taon at mula nang maisampa ang kaso ay nagtago na ang mga akusado hanggang sa mailabas ang kanilang warrant of arrest at sila ay natunton.

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang magkapatid para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco

Previous articleBebot patay sa araro ng aluminum van; 2 sugatan
Next articleDOLE INILUNSAD ANG GAD AGENDA 2024-2028 AT MOVE CHAPTER